Nakakaparanoid. Kanina habang tinytype ko ung post tungkol sa napanaginipan ko si Jose na nakikipaglaro kay Bebe nauntog siya. Nauntog ng bonggang bongga sa sahig. De pota talaga. Nakakaparanoid kasi ung ate ng tatay ng anak ko eh namatay sa meningitis. Ung mga namuong dugo sa may uluhan ganun na usually nakukuha sa pagkakauntog or inuuntog sa case ng ate ng tatay ng anak ko. Lol. Hahaha. Anyway, ayun nga nakakaparanoid sobra. Di ko kakayanin pag may nangyari sa anak ko. As in. Hay.
Late upload din. Walang internet. Post finished 6:58 PM, Oct 9, 2012
Labels: aphrodite, bebe, personal
Ang ganda ng dream ko kagabi. Hindi ko nga nakakalimutan till now. Sana totoo na lang siya. Ganun naman eh. Pag mga dreams ko about sa kanya halos lagi ko na lang winiwish na sana totoo na lang siya. Kaya ayun kanina medyo late ako bumangon mga 9am na. (Maaga na ako bumabangon lately. Nagbabasa ng wattpad hahaha)
Eto na nga ung dream ko. Basta nakita ko na lang si Jose kandong niya si bebe. Natutuwa siya si bebe. Ramdam na ramdam ko ung naramdaman ko sa panaginip ko. Alam ko. Sobrang SAYA. Yun ang naramdaman ko sa panaginip ko na ramdam ko siya kahit nanaginip lang ako. Alam niyo ba ung sinasabi ko? Basta un. Kahit mangyari man un sa totoong buhay magiging ganun din naman ako kasaya eh. Ibang klase. Hay. Tas ayun ang naalala ko pa magkatabi na kami ni Jose. Kandong ko si bebe. Tas magkaholding hands kami. Parang totoo. Sana totoo na lang. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Mahal ko nga talaga siguro si Jose kahit mga ilang taon ko na din siya di nakikita at nakakausap. Totoong palang ang tunay na pagmamahal eh di kayang burahin ng panahon, distansya o ng ibang tao man na dumating sa buhay mo o lalong lalo na ang kawalan ng communication. Kung tunay ang pagmamahal na naramdaman mo, mangyari man ang lahat (omg creepy nadinig ko ung kantang "ill be missing you" ba un. Basta ung sinayaw ni Jose ung nung third year prom at namin. Di ako sure if un talaga ung nadinig ko na kanta. Hindi ata. Lol.) ng nabanggit ko mararamdaman mo pa din na mahal mo siya. Mahal na mahal. Di magbabago. Naalala ko tuloy ung dalawang matanda nun sa isang storya sa mmk. Nakapangasawa ng ibang ung babae ung lalaki ata hindi. Basta ang tanda nila mga 80 ganun. Pero nagkatuluyan pa din sila at ganun pa din ang naramdaman nila para sa isa't isa. Kami kaya ganun? Asa naman. Pero nakakainspire ung storya na kasi naman malay mo mangyari sa akin? I mean malay mo magkatuluyan din kami someday? Hay sana talaga. Miss na miss ko si Jose :( Hanggang tingin na lang ako sa mga pictures niya sa fb. Mga achievements at mga works niya. Mga nangyayari sa kanya. Sa fb ko lang nalalaman at gamit ko pa acct ng anak ko dahil nakablock acct ko sa kanya eh. Hay. Shit Jose. Mahal na mahal na mahal pa rin talaga kita. :( Di pa din ako nawawalan ng pagasa. Kahit man lang maging magkaibigan tayo. Alam kong hindi pa ito ung panahon. Di mo nga ako nirereplyan sa mga chat ko eh. Kaya tingin ko di pa din ngayon. Shemay naman. Di pa ba sapat ang isang dekada? Ilang dekada pa ba ang iintayin ko? Ok lang kahit gaano katagal. Nagawa ko nga ng isang dekada eh. Ano naman ub kung mga 9 na dekada pa ang antayin ko. Haha. Mabilis lang naman ang panahon. Hay. Naalala ko tuloy ung sulat na ginawa ko sayo nung grade 6 tayo. Naalala ko pa ung stationery na ginamit ko dun. Justice league pa un. Favorite mo. Shit Jose. Ramdam ko tuloy lalo pagkamiss ko sayo. Sobra sobra sobra. Miss na miss na kita. :( Sana kausapin mo naman na ako oh please? I love you Jose Ramos Manansala II ko. :( Mahal na mahal kita. :(
Late upload. Walang internet. Post finished 6:34 PM Oct 9, 2012 (estimate time)
Labels: aphrodite, bebe, feu iarfa, Jose manansala, jose manansala II, jose r manansala, joser manansala, personal